Pagkakaroon ng 2-day calamity leave itinutulak sa Kamara

By Erwin Aguilon December 17, 2019 - 10:26 AM

Nais ni Albay Rep. Joey Salceda na mabigyan ng dalawang araw na emergency leave ang mga empleyado na apektado ng kalamidad.

Sa inihaing House Bill 5775 ni Salceda, nais nito na magkaroon ng 2-day special emergency leave with pay ang mga empleyado ng public at private sector sa bansa.

Sakop sa panukala na mabibigyan ng leave tuwing may kalamidad o anumang natural disasters ang mga empleyado na nakapagtrabaho na ng anim na buwan.

Hindi naman kasali sa panukala ang mga government workers at employees na kailangan sa disaster, relief, at rescue operation.

Ayon kay Salceda, hindi lamang tulong ang kailangan na ibigay ng gobyerno kundi pati panahon para makapagplano sa muling pagbangon at pagsasaayos sa mga pag-aaring sinira ng kalamidad.

Kada taon ay aabot sa 20 hanggang 25 bagyo ang sumasalanta sa bansa bukod pa ito sa nakapwesto ang Pilipinas sa “Pacific Ring of Fire”.

TAGS: 2-day calamity leave, calamities, earthquake, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2-day calamity leave, calamities, earthquake, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.