10 pelikula pasok sa shortlist ng Oscars’ Best International Film

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2019 - 08:53 AM

Sampung pelikula na ang nakapasok sa shortlist ng mga pelikula n maglalaban-laban para sa Best International Film sa Academy Award.

Kasama sa best international feature shortlist na inianunsyo ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences ang mga pelikula mula South Korea, Spain at Senegal.

Kabilang sa nakapasok ang “Parasite” ni Bong Joon Ho, “Pain and Glory” isang semi-autobiographical ni Pedro Almodovar at ang “Atlantics” na entry ng Senegal.

Kung tuluyang makukuha ng “Atlantics” ang nomination ay magiging kauna-unahan ito para sa Senagal.

Ang iba pang pelikula na napasama sa shortlist ay ang mga sumusunod:

– The Painted Bird (Czech Republic)
– Truth and Justice (Estonia)
– Les Misérables (France)
– Those Who Remained (Hungary)
– Honeyland (North Macedonia)
– Corpus Christi (Poland)
– Beanpole (Russia)

Ang sampu ay pinili mula sa 91 pelikula.

Sa January 13 pormal na iaanunsyo ang nominasyon para sa 92nd Academy Awards at gagawin ang Oscars sa February 9 sa Los Angeles.

TAGS: best international film, Inquirer News, Oscars, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, the academy, best international film, Inquirer News, Oscars, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, the academy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.