Panukala na magpapababa sa age of retirement ng mga kawani ng pamahalaan, aprubado na sa Kamara
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara na ibaba ang retirement age ng mga government employees sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.
Sa botong 192 na YES at walang pagtutol lumusot ang House Bill No. 5590.
Layunin ng panukala na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya.
Kung ibababa sa 56 ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno, magkakaroon din ng mas maraming employment opportunities sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan.
Hindi na rin kakailanganin na kumayod ng matagal ang mga empleyado ng pamahalaan para lamang ma-enjoy ang kanilang retirement benefits.
Naglalayon din ito amyendahan ang RA 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.