Altar para sa IEC , gawa ng furniture designer na si Clay Tugonan
Gawa sa mga nasirang bangka at bahay ng bagyong Yolanda ang gagamiting altar sa International Eucharistic Congress Pavillion sa Cebu.
Nabatid na ang kilalang furniture maker at exporter ng Mandaue City na si Clay Tugonan ang gumawa ng altar.
Ayon kay Tugonan, simple lamang ang altar at hindi magarbo.
Humingi si Tugonan ng wood crap mula sa isang mangingisda sa San Remegio, Cebu na tinamaan ng bagyo.
Ang altar ay may limang paa na sumisimbolo sa mga sugat ni Hesus nang ipako ito sa krus.
Nakaimprinta sa harapan ng tatlong paa ang chalice, grapes of wine at bread na pangunahing gamit naman sa pagmimisa at may nakalagay na LED lights sa altar.
Nabatid na hiniling nina Father Mhar Vincent Balili at Father Brian Brigoli, organizers ng IEC kay Tugonan na gumawa ng altar.
Ayon kay Tugonan wala siyang hininging bayad sa paggawa ng altar.
Isa aniyang karangalan na makatulong sa IEC at maipakita sa mga nabiktima ng Bagyong Yolanda na may mapapakinabangan pa mula sa mga nasirang bahay at gamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.