Pagkatapos nga ng pananatili nitong si Jiro Manio sa NAIA 3 ng ilang araw na pagala-gala. At pag stay sa Security office ay posibleng dalhin siya ng kanyang mga kaanak sa UERM Hospital sa may Sta Mesa, Manila.
Kakailanganin ni Jiro na sumailalim sa gamutan sa pamamagitan ng psychiatric treatment.
At si Dra. Cora nga daw ang magiging attending doktor niya.
Ayon nga sa aming nakausap na malapit sa pamilya sa binatang aktor ay kailangan ni Jiro ng pinansiyal na tulong para sa magiging gamutan.
Walang-wala daw ngayon ang pamilya niya.
Kaya sila ay kumakatok sa inyong puso sa mga kaibigan ni Jiro at sa mga kapwa niya nasa showbiz industry ng paghingi ng suporta sa kakailanganin gamutan.
Matagal na walang trabaho si Jiro dahil nga sa matinding depresyon dahil sa hindi pagkatupad ng kanyang mithiin na makapunta ng bansang Japan para makita at makasama na for good ang kanyang tunay na ama na isang hapon.
Sabi pa nga ng kausap namin, nung malaman ni Jiro na deny ang kanyang visa for Japan ay duon nagsimula muli ang matinding depresyon.
Palaging nakapatay ang ilaw nito sa kanyang kuwarto at minsang nagsasalita ito na mag-isa at walang kausap.
Naging sanhi ng kanyang paglayas dahil nga nagkaroon ng sila enkuwentro sila ng kanyang madrasto.
“Nagalit ang stepfather niya nang kamayin ni Jiro ang ulam na nasa hapag ng table.”
Si Jiro ay nakakuha na maraming acting trophy.
Nandiyan ang Star Awards at marami pang iba sa kanyang pelikulang “Magnifico” na idinirek ng ni Direk Maryo J delos Reyes at tumatayong manager niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.