LOOK: Konstruksyon ng PNR Clark Phase 1, tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang konstruksyon ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos).
Ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) sa Facebook sa pamamagitan ng JICA Philippines ang sitwasyon ng proyekto.
Bahagi ang PNR Clark Phase 1 ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.
Oras na maging fully operational, makakatulong ito na mabawasan ang biyahe mula Maynila papuntang Bulacan at pabalik.
Mula sa dating isang oras at 30 minuto, makakaigsi ng 38-kilometer rail line ang biyahe nang 35 minuto.
Inaasahang maseserbisyuhan ng tren ang nasa 300,000 pasahero kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.