Rep. Rodriguez, dinepensahan ang pag-apruba ng komite sa ChaCha

By Erwin Aguilon December 13, 2019 - 07:51 PM

Idinepensa ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez ang ginawang pag-apruba ng komite sa Charter Change (ChaCha) habang nagka-executive session.

Ayon kay Rodriguez, hindi itinago ng liderato ng Kamara at ng komite ang pag-apruba sa panukala para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Sa katunayan aniya ay naroroon ang anim na miyembro ng MAKABAYAN bloc nang ipasa nila sa committee level ang panukala.

Wala din aniyang dapat na ilihim dahil dumaan naman na sa masusing pagbusisi at konsultasyon sa mga stakeholders ang ChaCha.

Tiniyak ni Rodriguez na magiging bukas ang deliberasyon sa ChaCha sa oras na isponsoran at isalang na ito sa plenaryo.

Sa inaprubahan resolusyon ng komite, ang kapartido ng mananalonng pangulo na vice president ay siya ring uupo sa puwesto.

Mula naman sa kasalukuyang anim na taon na may tig-tatlong termino ng mga senador, ay inaamyendahan na ito sa tatlong termino na may tig-limang taon na lamang.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng 27 na senador mula sa kasalukuyang 24 kung saan tig-tatlong senador ang iboboto ng mga residente mula sa siyam na rehiyon.

Kabilang na rito ang National Capital Region, Northern Luzon, Southern Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Mindanao at ang Bangsamoro Autonomous Region.

Ang mga miyembro ng House of Representatives at ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay magkakaroon din ng tatlong termino na tig-limang taon.

Inaamyendahan din ang economic provision sa saligang batas na naghihigpit sa foreign ownership sa pagsingit sa katagang “unless otherwise provided by law” na layong luwagan ang dayuhang pamumuhunan sa bansa.

Kinakailangan naman ng 3/4 na hiwalay na boto ng dalawang Kongreso para maipasa at maisalang ang ChaCha sa plebesito.

TAGS: 18th congress, 1987 Constitution, chacha, charter change, Kamara, Rep. Rufus Rodriguez, 18th congress, 1987 Constitution, chacha, charter change, Kamara, Rep. Rufus Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.