Guilty verdict sa mga suspek sa Maguindanao massacre inaasahan ni Rep. Mangudadatu
Umaasa si Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu na “guilty” ang magiging hatol sa mga suspek sa malagim na 2009 Maguindanao massacre sa susunod na linggo.
Ayon kay Mangudadatu pahiwatig ang pagpayag ng Korte Suprema sa live media coverage sa promulgation ng kaso sa Disyembre 19 na guilty ang magiging hatol ng judge sa mga suspek .
Subalit sa ngayon habang naghihintay ng paborableng desisyon na hatol ng korte laban sa mga suspek ay magiging maingat sila at ang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre dahil maraming pagtatangka na dukutin ang kanyang mga anak .
Iginiit naman ni Mangudadatu na ang kanyang pananampalataya na lamang ang kanyang kinakapitan para malampasan ang 10 taong paghihintay para makuha ang hustisya lalo na umano at isa lamang siya na nagpapalaki ng kanyang mga anak.
Kabilang ang asawa at dalawang kapatid ng kongresista sa 53 katao napatay, 32 dito ang mamahayag noong Nobyembre 23, 2009 Maguindanao massacre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.