Mga estudyante, biktima ng umano’y food-poisoning sa isang Christmas party sa Negros Occidental

By Rose Cabrales December 13, 2019 - 05:23 AM

Isinugod sa ospital ang nasa 49 estudyante ng Maao Elementary School sa Bago City sa Negros Occidental dahil sa sumama ang kanilang pakiramdam, umaga ng Huwebes (December 13).

Nakaramdam umano ang ilan sa mga Grade 1 students ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo na sintomas ng food poisoning kaya agad silang dinala sa clinic ng barangay at ang ilan sa mga pasyente ay inilipat sa Bago City Hospital.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction Management Office ng Bogo City, posibleng sumama ang pakiramdam ng mga estudyante dahil sa handang spaghetti sa Christmas party.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang City Health Office kaugnay sa nagyaring insidente.

TAGS: Bogo City, Christmas party, food poisoning, Maao Elementary School, Mga estudyante, Negros Occidental, Bogo City, Christmas party, food poisoning, Maao Elementary School, Mga estudyante, Negros Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.