Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, iminunglahi na muling ibalik ang Department of Education and Sport

By Jong Manlapaz December 12, 2019 - 02:50 PM

Kuha ni Erwin Aguilon / File

Dahil sa bansa ginawa ang Southeast Asian (SEA) games marami umanong atleta ang nakapaglaro, kung kaya maraming gintong nasungkit ang Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Buhay Partylist rep. Lito Atienza sa isang pulong balitaan sa Quezon City.

Nilinaw pa ni Atienza na kung gagawin sa ibang bansa kagaya ng Germany ang mga palaro malamang umano mas maraming taga-gobyerno ang kasama kumpara sa atletang lalaban.

Iminungkahi rin ni Atienza na ibalik na sa Department of Education (DepEd) ang pamamahala sa sports o muling buhayin ang Department of Education and Sport.

Naniniwala si Atienza na sa murang edad pa lamang nahuhubog na ang mga kabataan sa sports hanggang sa maging dalubhasa na ito.

Samantala, pabor siyang ipagpatuloy ang imbestigasyon hingil sa umano’y sobra-sobrang gastos sa katatapos na SEA games.

TAGS: atletang Pilipino, Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, Department of Education and Sport, deped, sea games, atletang Pilipino, Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, Department of Education and Sport, deped, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.