Ilang pangunahing lansangan sa Cagayan hindi pa rin madaanan
May mga pangunahing kalsada pa rin sa Cagayan ang hindi madaanan matapos ang naranasang pagbaha sa lalawigan noong nakaraang linggo.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2, ilang lansangan ang sarado pa rin sa mga motorista habang ang iba naman ay ilang linya lang ang nadaraanan.
Narito ang mga kalsadang sarado pa rin at sumasailalim sa clearing operations:
– Manila North Road, Sta. Praxedes, Cagayan, K0590+(-020), CLOSED DUE TO ROAD CUT.
– Manila North Road, Sta.Praxedes, Cagayan, K0590+200, due to ROADSLIP 1 lane passable for light vehicles ONLY (4 Wheels).
– Manila North Road, K0602+300, Road Cut at Union,Claveria, Cagayan is passable to light vehicles ONLY.
– K0621+000-K0621+600, CDLCBR, Luzon, Claveria, Cagayan, 1 lane passable due to scoured shoulder.
– Sanchez Mira Bridge (K0632+474) along Manila North Road is unpassable due to scoured Pier
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing mga kalsada.
Patuloy pa ang clearing operations sa putik na tumabon sa mga kalsada dahil sa nagdaang pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.