Mga pasilidad ng PNP sa Region 8 napinsala din ng Typhoon Tisoy

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2019 - 07:11 AM

Ilang gusali ng Philippine National Police (PNP) ang napinsala ng Typhoon Tisoy.

Sa pagtaya ng PRO-8 aabot sa mahigit P1 million ang halaga ng pinsala sa mga gusali ng PNP.

Sa Northern Samar Police Provincial Office (NSPPO), tinatayang nasa labinglimang municipal police stations nito ang napinsala.

Kabilang ang sumusunod na police stations:

Allen MPS
San Isidro MPS
Victoria MPS
Mondragon MPS
Rosario MPS
Pambujan MPS
San Jose MPS
Gamay MPS
San Roque MPS
Mapanas MPS
Bobon MPS
Biri MPS
Las Navas MPS
Northern Samar 1st PMFC
NSPPO Headquarters

Sa Samar Police Provincial Office (SPPO) naman dalawang pasilidad ang napinsala kabilangang Tarangnan MPS at Catbalogan CPS.

Ang mga pinsala ay sa bubungan, kisame, scaffolding, painting, gutter at ridge roll, ceiling eaves, water line pipe, roof deck area, mga window glass, at door glass.

Hindi naman nakukuha ang halaga ng pinsala sa Biri MPS, Las Navas MPS at 1st PMFC dahil sa hirap pa rin ang komunikasyon doon.

Ang iba pang Police Provincial Offices ay hindi naman nagtamo ng pinsala.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, PNP buildings, PRO-8, Radyo Inquirer, tagalog news website, Taglog Breaking news, Typhoon "Tisoy", PH news, Philippine breaking news, PNP buildings, PRO-8, Radyo Inquirer, tagalog news website, Taglog Breaking news, Typhoon "Tisoy"

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.