Massage parlor na ginagawang drug den sa Tacloban City ipinasara
Ipinasara na ng Tacloban City Government ang isang massage parlor na ginagawang drug den.
Isinilbi ng mga tauhan ng Business Permit and Licenses Division at ng Tacloban City Police Office ang closure order laban sa Marro Massage Services sa P. Zamora kantong Niño Street.
Nilagdaan ni Tacloban City Mayor Alfred S. Romualdez ang closure order.
Binawi ng lokal na pamahalaan ang business permit ng pasilidad sa dahil sa paglabag sa Ordinance No. 99-58 o ang Public Health, Welfare and Safety Ordinance at R.A. 9165 o Comprehensive Drugs Act.
Ang pagpapasara sa massage parlor ay matapos ang buy-bust operation ng mga pulis noong December 5 na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang lalaking trabahador ng establisyimento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.