Pamilyang kumikita ng P10,727 kada buwan, monggo at dilis ang kayang tanghalian
Nilagang itlog, monggo, at dilis.
Ilan lamang ito sa mga putaheng kayang kainin ng isang pamilya na may limang miyembro na kumikita ng P10,727 kada buwan.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Philippine Statstics Authority (PSA) assistant secretary Rosalinda Bautista na para sa almusal, kaya ng limang miyembro ng pamilya na kumain ng scrambled egges, kanin, at three-in-one na kape.
Para sa tanghalian, maaari ang ginataang monggo na may malunggay, dilis, kanin at saging habang sa hapunan naman ay maari ang pritong isda, nilagang baboy, gulay gaya ng kangkong at kanin.
Maari rin aniyang magkaroon ng meryenda gaya ng pandesal o nilagang kamoteng kahoy.
Sa mahigit P10,000 bduget kada buwan, nasa P7,528 ang dapat na budget sa food item habang ang natitira ay nakalaan sa non-food item.
Hindi naman aniya kasama sa budget ang alak at sigrailyo.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, walang aasahang masarap at magarbong pagkain ang pamilyang naninirahan sa poverty threshold.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.