Amihan nakaaapekto sa buong Luzon

By Rhommel Balasbas December 11, 2019 - 05:12 AM

Wala nang tail-end of a cold front na nakaaapekto sa Luzon at northeast monsoon o Amihan na lamang ang umiiral na weather system sa bansa ngayon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Amihan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon na ramdam na rin ang Amihan, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan na may posibilidad lamang ng mahihinang pag-ulan.

Maalinsangang panahon ang aasahan sa buong Visayas at Mindanao na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Northern coast ng Ilocos Norte
– Isabela

TAGS: light rains expected, northeast monsoon o Amihan, Pagasa, light rains expected, northeast monsoon o Amihan, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.