Umano’y insidente ng kidnapping sa Makati, iimbestigahan ng PNP-AKG
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa hinihinalang insidente ng kidnapping sa Makati City.
Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Lt. Col. Jowel Saliba, tagapagsalita ng PNP-AKG, wala pang lumalapit na complainant sa kanilang tanggapan.
Puro pa lamang aniya post sa social media ang nakikita nila ukol sa insidente.
Gayunman, magpapadala pa rin aniya ang PNP-AKG ng team para mag-imbestiga katuwang ang Makati City police.
Samantala, nakilala na ng Makati City police ang biktima sa sinasabing kidnapping incident sa bahagi ng Paseo de Roxas, Lunes ng gabi.
Ayon kay Maj. Gideon Ines Jr. mula sa Makati police investigation unit, nakilala ang biktima na si Zhou Mei, 28-anyos at isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) worker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.