Pagpapalawig ng validity ng firearms documents lusot na sa Senado
Pinaboran ng 20 senador ang panukala na nagpapalawig sa validity ng lisensiya ng baril hanggang sa limang taon mula sa dalawang taon.
Layon din ng Senate Bill No. 1155, na amyendahan ang Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na ang renewal ng firearm registration ay tuwing limang taon na rin mula sa apat na taon.
Ang panukala ay pinagsamang panukala nina Senate President Pro-tempore Ralph Recto at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Nakasaad sa batas na ang pagpaparehistro ng baril ay tuwing limang taon na lang at sa araw ng kapanganakan ng gun holder.
Ayon kay Sen . Ronald dela Rosa, ang nag-sponsor ng panukala sa plenaryo, kapag nabigo ang gun holder na muling ipa rehistro ang kanyang baril ay babawiin ang kanyang lisensiya at kukumpiskahin ang kanyang baril.
Papalawigin din ng panukala ang validity ng permit to carry firearms outside of residence mula sa isang taon ay magiging dalawang taon na.
Katuwiran ni dela Rosa ang magkakaibang validity period ng mga firerarms documents ang dahilan kayat kinatatamaran na ng mga gun owners na asikasuhin ang mga dokumento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.