Programa laban sa dengue dapat muling pag-aralan ng DOH

By Erwin Aguilon December 10, 2019 - 09:38 AM

Hinimok ni House Committee on Health Vice Chairman at Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang National Dengue Prevention and Control Program ng Department of Health.

Ayon kay Defensor hindi naging epektibo ang programa para labanan at pababain ang kaso ng dengue sa bansa.

Nabatid na nakapagtala ng average na 185,008 dengue cases at 732 deaths sa dengue sa loob ng limang taon.

Pero, ngayong taon ay nakapagtala ang DOH ng 402,694 dengue cases mula Enero 1 hanggang Nobyembre 16 mas mataas ng 92% kumpara sa 209,335 cases noong 2018.

Tumaas din ang bilang ng namamatay sa sakit na dengue na nasa 40% o 1,502 ngayong 2019 kumpara sa 1,075 deaths noong 2018.

Hiniling din ni Defensor sa pamahalaan na gayahin ang Malayasia at pag-aralan din ang Walbachia bacteria na pumapatay sa dengue virus.

Tulad sa Pilipinas, mataas din ang kaso ng dengue sa Malaysia na nakapagtala ng 39% na pagtaas ng mga nagkakasakit ng dengue.

TAGS: Dengue, Health, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Dengue, Health, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.