Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong Disyembre
Bad news para sa consumers!
Magpapatupad muli ng taas-singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.
Ayon sa kumpanya, P0.304 per kilowatt hour ang magiging dagdang-singil sa December bill.
Dahil dito, papatak na ang electricity rates sa P9.8623 per kWh mula sa P9.5579 per kWh noong Nobyembre.
Ang mga bahay na kumokonsumo ng 200 kWh ay magkakaroon ng dagdag na P61 sa kanilang bill; P91.32 ang dagdag sa kumokonsumo ng 300 kWh; P121.76 sa 400 kWh; at P152.2 sa may konsumong 500 kWh.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nagmahal ang presyo ng kuryente sa spot market bunsod ng power outages.
Makailang beses na pagsasailalim ng yellow alert sa Luzon grid sa nakalipas na buwan.
Sa kabuuan, mas malaki pa rin ang epekto ng rollback sa presyo ng kuryente ngayong taon.
Mula January hanggang December, ang nabawas ay umabot sa P1.86 kWh mas malaki sa dagdag na P1.54 kWh kaya may net na –P0.32 kWh.
Posible namang tumaas pa ang singil sa kuryente sa January 2020 dahil sa pagnipis ng energy reserves noong Nobyembre na papasok sa bill pa sa naturang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.