Magnitude 3.5 na lindol, tumama sa Surigao Del Norte
By Angellic Jordan December 09, 2019 - 03:20 PM
Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Surigao Del Norte, Lunes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 31 kilometers Northwest ng Burgos bandang 1:51 ng hapon.
May lalim ang pagyanig na 11 kilometers at tectonic ang dahilan.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.