4 Indian national, inaresto ng BI sa General Santos City
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Indian nationals sa General Santos City, South Cotabato.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nahuli ang apat na dayuhan ng Mindanao intelligence task group (MITG) ng BI intelligence division katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa Purok Malakas, Bgy. San Isidro bandang December 3.
Inilabas aniya ang mission order matapos makatanggap ang ahensya ng reklamo sa komunidad ukol sa presensya ng mga illegal alien na sangkot sa “5-6” scheme sa lugar.
“There will be no letup in our campaign against illegal aliens. And we reiterate our appeal to the public not to hesitate in reporting the presence of illegal aliens in any part of the country, including the far flung areas of the country,” ani Morente.
Ayon naman kay BI intelligence officer Melody Gonzales, nakapagpakita ng valid visas ang anim na iba pang Indian nationals dahilan para irekomenda ang pagkakalaya nito.
Nakapagprisinta naman ang apat na nahuling Indian national ng expired at invalid visas.
Nagtatrabaho ang apat bilang money lenders.
Sa ngayon, nakakulong ang apat sa BI immigration district office sa Davao City habang inaayos ang kanilang deportation proceedings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.