Subjects ng mga mag-aaral mula kinder to grade 3 pinababawasan sa DepEd
Iminumungkahi ng isang kongresista sa Department of Education (DepEd) na huwag labis na kargahan ng subject ang mga estudyante ng kindergarten hanggang Grade 3 pupils.
Ayon kay Pasig Rep. Roman Romulo, chairman ng House Committee on Basic Education and Culture, simula noong Agosto ngayong taon, iminumungkahi na niya sa DepEd na bawasan ang bilang ng mga subjects sa Kindergarten at Grade 3 para naka-focus lang sila sa basic lang.
Ito ay ang GMRC, mathematics at reading at dapat tiyaking makapagbasa at makapag-comprehend mula grade 1 pa lamang.
Ginawa ng kongresista ang pahayag maitala ang Pilipinas na pinaka mahina sa 79 bansa pagdating sa student reading comprehension base na rin sa resulta ng 2018 Program for International Student Assessment (PISA).
Paliwanag pa ni Romulo na ang resulta ng Pilipinas sa PISA noong 2018 ay hindi malayo mula sa resulta ng National Achievement Test (NAT) ,na eksaminasyon para sa Grade 6 at Grade 10 students para sukatin ang kanilang competencies.
Kaya kung titingnan anya ang resulta o scores ay halos pareho naman at hindi malayo kahit na ang NAT ay sa Pilipinas lamang kaya hindi umano dapat bigatan ng iba ibang subjects ang Grade 1-grade 3 at basic lamang ang ibigay sa kanila.
Nangako na rin ang DepEd na magkakaroon ng agresibong reporma sa basic education system sa gitna ng nasabing mga ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.