Kapalaran ng peace talks nasa kamay na ng komunistang grupo ayon sa Malakanyang

By Chona Yu December 09, 2019 - 08:51 AM

FILE PHOTO
Ipinauubaya na ng Malakanyang sa kamay ng komunistang grupo ang kapalaran ng peace talks.

Pahayag ito ng palasyo matapos utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Governtment Chief Peace Negotiator Silvestre Bello III na kausaping muli si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bukas naman ang gobyerno sa pakikipag-usap.

Nasa kanilang grupo na aniya ang pagpapasya kung magiging sinsero at magiging matapat ang kanilang hanay.

Nakadidismaya kasi ayon kay Panelo na habang panay ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa komunistang grupo, panay naman ang kanilang pag-atake at pag-ambush sa tropa ng pamahalaan.

Pursigido aniya ang pangulo na maselyuhan ang peace talks bago pa man matapos ang kanyang termino sa taong 2022.

TAGS: CPP-NPA, Government Chief Peace Negotiator Silvestre Bello III, peace talks, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, CPP-NPA, Government Chief Peace Negotiator Silvestre Bello III, peace talks, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.