P4.1T proposed 2020 budget planong ratipikahan ng Kamara bukas

By Erwin Aguilon December 09, 2019 - 08:21 AM

Pipilitin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ratipikahan ang bicameral conference committee report ng P4.1T 2020 national budget bukas, araw ng Martes.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab, bukas ng umaga ay tatapusin na ang bicam para sa panukalang pindonupang maratipikahan na ng dalawang kapulungan.

Sinisikap anya nila ang mas maagang approval ng budget upang maisumite na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte upang malagdaan at maging batas.

Samantala, itinanggi naman ni Committee on Appropriations Vice Chairman Joey Salceda na may mga problema pa sa final version ng pambansang pondo.

Matatandaan na unang sinabi ni Salceda na may mga pagkakaiba sa inilaang pondo ng Kamara at Senado sa DOH, DOTR at DPWH.

Sa budget ng DOH, P88.92 billion ang alokasyon ng Kamara pero P100.49 billion naman sa Senado.

Ang DOTr naman ay binigyan ng pondo ng Kamara na P146.04 billion mas mataaas kumpara sa P120.32 billion ng Senado habang sa DPWH naman ay binigyan ng mga kongresista ng P529.75 billion pero P536.58 billion naman sa mga senador.

TAGS: 2020 national budget, House of Representatives, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, 2020 national budget, House of Representatives, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.