Nasawi ang 43 manggagawa matapos masunog ang bag factory sa central New Delhi, India, araw ng Linggo.
Ayon sa mga awtoridad, nasa 100 katao ang natutulog sa loob ng pabrika nang sumiklab ang apoy.
Nagsimula ang sunog sa mga ibabang palapag ng four-storey building hanggang sa makarating sa ikatlong palapag kung saan natutulog ang mga manggagawa.
Ayon sa local fire chief, walang fire license ang building at iligal ang operasyon nito bilang factory.
Naaresto na ng pulisya ang may-ari ng pabrika na nakilala sa pangalang ‘Rehan’.
Nahirapan ang mga bumbero na patayin ang sunog dahil nasa looban ang pabrika at hindi naipasok ang firetrucks bukod pa sa nakapalibot na electrical wires.
Nailigtas naman sa insidente ang nasa 60 katao.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Tinawag ni Indian Prime Minister Narendra Modi na ‘extremely horrific’ o kagimbal-gimbal ang insidente.
Nagpaabot ito ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga namatay at ipinangako rin ang agarang tulong ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.