CHR, kinondena ang paggamit ng NPA ng mga batang sundalo sa bakbakan

By Angellic Jordan December 08, 2019 - 05:30 PM

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang paggamit ng New People’s Army (NPA) ng mga batang sundalo sa mga bakbakan kontra sa militar.

Ito ay matapos mapaulat ang pagkasawi ng 16-anyos na miyembro ng NPA na si Litboy Talja Binongcasan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na hindi dapat ginagawa ang aniya’y “deplorable practice.”

Sa ilalim ng International Human Rights at Humanitarian Law, iginiit nito na dapat ding irespeto ng mga armadong grupo ang pagbabawal sa pag-recruit at paggamit sa mga bata sa mga engkwentro.

Ipinaalala rin nito sa mga armadong grupo na ang paggamit sa mga batang sundalo ay isang war crime.

Dagdag pa ni de Guia, dapat laging itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga kabataan.

Kahit makaligtas sa mga bakbakan, sinabi nito na mayroon pa rin itong psychological at mental impact sa mga bata.

Samantala, nagparating naman ng pakikiramay ang ahensya sa pagkasawi ng Grade 6 student.

Tiniyak din nito na magsasagawa ng imbestigasyon ang CHR sa kaso.

TAGS: Atty. Jacqueline Ann De Guia, batang sundalo, CHR, Litboy Talja Binongcasan, NPA, Atty. Jacqueline Ann De Guia, batang sundalo, CHR, Litboy Talja Binongcasan, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.