Mga kumpanya ng langis, magpapatupad ng rollback sa susunod na linggo

By Angellic Jordan December 07, 2019 - 04:44 PM

(UPDATED) Nakatakdang magpatupad ang ilang kumpanya ng rollback sa kanilang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Petron, nasa P0.30 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa diesel habang P0.30 naman sa kerosene o gaas.

Samantala, sa Shell, P0.40 ang tapyas sa kada litro ng gasolina at P0.40 rin sa kada litro ng kerosene o gaas.

Wala namang mababago sa presyo ng diesel sa Shell.

Kapwa epektibo ang oil price adjustment ng dalawang kumpanya bandang 6:00, Martes ng umaga (December 7).

Buena mano namang magpapatupad ng oil price rollback ang Cleanfuel bandang 4:01, Linggo ng hapon, December 8.

May kaltas na P0.10 sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.40 naman sa gasolina.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil company ukol sa rollback.

TAGS: BUsiness, oil price adjustment, oil price rollback, Petron, Shell, BUsiness, oil price adjustment, oil price rollback, Petron, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.