Tail-end of a cold front magpapaulan pa rin sa silangan ng Northern Luzon
Walang namamataang sama ng panahon na makaaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ang tail-end of a cold front pa rin ang magdadala ng mga pag-ulan sa Silangan ng Hilagang Luzon.
Dahil sa nasabing weather system, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pa rin ang mararanasan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela at Apayao.
Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng putol-putol na malalakas na pag-ulan.
Northeast monsoon o Amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos provinces, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan
– Babuyan Islands
– Isabela
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Zambales
– Bataan
– Quezon kasama ang Pollilo Islands
– Camarines Norte
– northern at eastern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.