P40M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa buy-bust sa Parañaque

By Rhommel Balasbas December 07, 2019 - 05:22 AM

Nakumpiska ang aabot sa P40 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa isang condo unit sa Brgy. Moonwalk, Parañaque, Biyernes ng gabi.

Ang operasyon ay isinagawa ng Pasay Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Natimbog ang tatlong lalaki kabilang ang isang vendor at isang tricycle driver.

Nasa anim na kilo ang bigat ng hinihinalang shabu na nakuha mula sa mga suspek na nakasilid sa maliliit hanggang malalaking plastic sachet.

Patuloy na iniimbestigahan ng PDEA kung saan galing ang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Brgy. Moonwalk, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug war, P40 million worth of shabu, Paranaque, Pasay Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Brgy. Moonwalk, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug war, P40 million worth of shabu, Paranaque, Pasay Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.