Vice Ganda namahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa Oriental Mindoro

By Rhommel Balasbas December 07, 2019 - 04:55 AM

Naghatid ng tulong si Vice Ganda sa mga biktima ng Bagyong Tisoy sa Pinamalayan, Oriental Mindoro, araw ng Biyernes.

Hindi na tinapos ng komedyante ang Friday episode ng It’s Showtime para agad na makarating sa typhoon victims.

Magugunitang isa ang lalawigan sa mga pinaka-sinalanta ng Bagyong Tisoy.

Sa kanyang Instagram stories, makikita ang pagsakay ng Unkaboggable Star sa chopper sa rooftop ng ABS-CBN ELJ Building.

Sa isa namang Instagram post, makikitang tuwang-tuwa ang mga lola sa pagbisita ng Kapamilya star.

Inawit nito ang sikat na 2009 Christmas Station ID na ‘Star ng Pasko’.

Apela ng komedyante, idaan ang mga pagsubok sa pagngiti dahil ito ay makapangyarihan.

Ani Vice, kakayanin ang mga problema kapag kaya ng bawat isang ngumiti.

 

View this post on Instagram

 

May kapangyarihan ang NGITI. Sa simpleng ngiti gagaan ang lahat. Kakayanin natin ang lahat hanggat kaya nating ngumiti. Di alintana sa mga mukha ng mga taga Pinamalayan, Mindoro ang bagyo ng kahapon. Kaya nilang ngumiti. Kayang kaya mo din.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on Dec 6, 2019 at 2:38am PST

TAGS: #TisoyPH, Oriental Mindoro, Pinamalayan, Relief operations', Vice-Ganda, #TisoyPH, Oriental Mindoro, Pinamalayan, Relief operations', Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.