Naarestong si Col. Ferdinand Marcelino, hindi nakatalaga sa PAOCC

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2016 - 04:44 PM

FB Photo
FB Photo

Itinanggi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nakatalaga sa kanilang tanggapan si Lt. Col. Ferdinand Marcelino, na dating director ng Special Enforcement Service ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa pahayag ni PAOCC Executive Director Gen. Reginald Villasanta, si Marcelino ay hindi kailanman naging bahagi ng PAOCC kaya hindi nila otorisado ang anumang drug operation nito. “Our records likewise show that no ongoing PAOCC operations involve Lt. Col. Marcelino,” sinabi ni Villasanta.

Magugunitang sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni dating PDEA director general Dionisio Santiago na si Marcelino ay nanilbihan sa PAOCC sa ilalim ng pamumuno ni Executive Sec. Jojo Ochoa.

Sinabi ni Santiago na may pagkakataon pa ngang personal na nagrereport si Marcelino kay Pangulong Aquino para sa kaniyang mga misyon at operasyon.

Noong Lunes lamang, January 18 nang maitalaga sa Navy Officer Candidate School si Marcelino sa Naval Education and Training Command (NETC) na naka-base sa Zambales.

 

TAGS: Ferdinand Marcelino, Presidential Anti-Organized Crime Commission, Ferdinand Marcelino, Presidential Anti-Organized Crime Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.