Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia hanggang sa Dec. 22 na lang sa Pilipinas
Matatapos na ang panunungkulan ni Archbishop Gabriele Giordano Caccia bilang kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas.
Pormal nang nagpaalam si Caccia kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ayon sa pahayag mula sa DFA, hanggang sa December 22, 2019 na lamang sa bansa si Caccia.
Pinasalamatan naman ni Locsin si Caccia sa dedicated work na kaniyang ipinamalas habang nasa bansa.
Binati din ni Locsin ang Arsobispo sa kaniyang bagong katungkulan bilang Permanent Observer ng Santo Papa sa United Nations sa New York.
Nagsimula ang panunukulan sa bansa ni Caccia noong Dec. 6, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.