DOJ magbibigay ng seguridad kay BuCor Dir. Gerald Bantag sa gitna ng laban sa katiwalian sa Bilibid

By Ricky Brozas December 06, 2019 - 04:54 PM

Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na magkaloob ng tulong sa seguridad ni BuCor Director General Gelard Bantag at iba pang opisyal ng Bilibid na maaring may banta sa buhay kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis sa mga katiwalian sa loob ng Bilbibid.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi naman nagpaabot sa kanya ng impormasyon si DG Bantay sa sinasabing banta sa buhay nito mula sa mga drug lords.

Pero sinabi ng kalihim, handa naman siyang kunin ang atensyon ng National Bureau of Investigation at DILG sakaling totoo ang banta sa buhay ni Bantag at ng iba pang opisyal ng BuCor dahil sa kanilang kampanya na malinis ang mga iligal sa loob ng Bilibid.

Una nang lumutang ang mga balitang kasama sina Bantag at Gen. Eleazar sa hitlist ngayon ng mga drug cartel sa bansa nang magdeklara ang mga ito ng giyera kontra sa mga big-time drug lords at cartel kasabay ng pagpasok ni Bantag sa BuCor.

Sa isang seremonya ng pagkakaloob ng ikatlong estrella sa balikat ni Gen. Eleazar kanina, sinabi nito na hindi talaga malayong nasa hitlist sila ng drug cartel.

Paliwanag ni Eleazar, wala namang direktang banta sa kanila ni DG Bantag pero maaring naapektuhan kasi anya ang operasyon ng mga drug lords nang magsagawa sila ng malawakang operasyon sa Bilibid.

TAGS: Bilibid, DILG, DOJ, Gerald Bantag, NBI, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, Bilibid, DILG, DOJ, Gerald Bantag, NBI, PH news, Philippine breaking news, Philippine Online News, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.