Marinduque isinailalim sa state of calamity
Nagdeklara na rin ng state of calamity sa lalawigan ng Marinduque dahil sa pinsalang iniwan ng Typhoon “Tisoy”.
Ayon kay Rino Labay, provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) chief, ipinasa ng resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa buong lalawigan.
Ito ay makaraang naunang magdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Boac, Gasan at Torrijos.
Patuloy ang assessment sa lawak ng pinsala ng bagyo sa Marinduque.
Sa naunang report ng DRRMC sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (Mimaropa), nakasaad na mayroong dalawang nasawi sa Marinduque sa pananalasa ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.