Biyahe ng mga bangkang pangisda sa Camarines Norte supsendido pa rin
By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2019 - 08:41 AM
Hindi pa pinapayagan ang mga mangingisda sa Camarines Norte na makapaglayag.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Camarines Norte, ngayong araw Dec. 6 ay nananatiling suspendido ang biyahe ng mga fishing boat.
Ito ay dahil mayu nakataas pang gale warning sa lugar.
Pinayuhan din ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot.
Habang ang mga barko naman ay pinayuhang maging alerto sa malalakas na alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.