Philippine Navy handang makipagtulungan sa imbestigasyon kay Col. Marcelino

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2016 - 10:59 AM

Radyo Inquirer Photo
Radyo Inquirer Photo

Tiniyak ng Philippine Navy na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon at pag-usad ng kasong isasampa laban kay Col. Ferdinand Marcelino.

Si Marcelino ay nakatalaga bilang Superintendent ng Naval Education and Training Command sa Zambales.

Ayon kay Philippine Navy spokesman Col. Edgard Arevalo, sa ngayon, blangko ang Phil. Navy sa dahilan kung bakit naroroon sa sinalakay na shabu laboratory sa Maynila si Marcelino kahapon.

Pero pagtitiyak ni Arevalo, handa ang navy sakaling mangailangan ng impormasyon o tauhan mula sa kanilang hanay para magbigay-linaw sa insidente.

“Ang Navy po ay naririto to assist actively, kung meron po silang kailangang impormasyon o tao mula sa amin that would aid in the investigation in shedding light this incident our Navy is available to help actively,” ayon kay Arevalo.

Si Marcelino naman aniya ay mabibigyang pagkakataon na ilahad ang kaniyang panig sa proseso sa korte.
Sa ngayon sinabi ni Arevalo na ayaw nilang lumitaw na hinuhusgahan na nila si Marcelino o ‘di kaya naman ay dinidipensahan nila ito. “We do not want to appear that we are pre-judging him neither we do not want ourselves to appear like we are defending him,” dagdag pa ni Arevalo.

Si Marcelino kasama ang isang Chinese National ay inaresto kahapon sa Sta. Cruz Maynila matapos madatnang nasa loob ng isang shabu laboratory.

Iginiit naman ni Marcelino na lehitimo at may sapat na dokumento ang kaniyang surveillance operation sa lugar.

TAGS: Ferdinand Marcelino, Ferdinand Marcelino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.