#WalangPasok: Biyernes, December 6, 2019

By Rhommel Balasbas December 05, 2019 - 10:54 PM

Nananatiling walang pasok sa eskwela sa ilang lugar sa bansa bukas, Disyembre 6.

Ito ay dahil sa pinsala ng Bagyong Tisoy at nagpapatuloy na mga pag-ulan dulot ng Amihan at tail-end of a cold front na nakakaapekto sa Northern Luzon.

LAHAT NG ANTAS:
Albay (buong lalawigan)
Cagayan (buong lalawigan)

SPECIAL NON-WORKING DAY:
Isabela (Executive Order No. 54)

Maraming bayan sa Cagayan at Isabela ang lubog sa malawakang pagbaha dahil sa mga pag-ulan dulot ng Amihan at tail-end of a cold front.

Ipinauubaya na ni Cagayan Gov. Manuel Mamba sa mga alkalde ang suspensyon ng pasok sa trabaho sa gobyerno at pribadong sektor.

Sa Isabela naman, special non-working day ang December 6, 2019 dahil sa isasagawa sanang 1 Million Trees in 1 Day Project.

Kanselado ang naturang proyekto pero sinabi ni Gov. Rodito Albano na epektibo pa rin ang special non-working day.

Gagamitin ang araw para sa clean-up activities sa buong lalawigan.

I-refresh ang page na ito para sa updates.

TAGS: #TisoyPH, class suspensions, December 6 2019, malawakang pagbaha, northeast monsoon o Amihan, poor weather conditions, tail-end of a cold front, walangpasok, #TisoyPH, class suspensions, December 6 2019, malawakang pagbaha, northeast monsoon o Amihan, poor weather conditions, tail-end of a cold front, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.