State of calamity idineklara sa Tuguegarao City

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2019 - 05:56 PM

Nagdeklara na ng state of calamity sa Tuguegarao City dahil sa naranasang malawakang pagbaha.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod sa isinagawang special session ang kahilingan ni Tuguegarao City Mayor Atty. Jefferson P. Soriano na magpasa ng resolusyon para magdeklara ng state calamity sa lungsod.

Pinangunahan ni City Vice Mayor Bienvenido De Guzman ang nasabing special session.

Maraming barangay sa Tuguegarao ang nalubog sa baha dahil sa pag-ulan na dulot ng tail end ng cold front.

Nagpatupad na rin ng evacuation sa mga apektadong barangay.

TAGS: City Vice Mayor Bienvenido De Guzman, Evacuation, State of Calamity, tail end ng cold front, Tuguegarao City, City Vice Mayor Bienvenido De Guzman, Evacuation, State of Calamity, tail end ng cold front, Tuguegarao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.