Kontrata ng mga water concessionaire sa gobyerno maaring i-revoke ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 05, 2019 - 01:27 PM

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte i-revoke ang tagilid na kontrata ng mga pribadong kompanya sa pamahalaan gaya halimbawa ng dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakasaad sa Konstitusyon na pangunahing tungkulin ng pangulo ay pagsilbihan at proteksyunan ang taong bayan.

“Actually yung batas, ang pangunahing tungkulin ng Pangulo ay pagsilbihan at proteksyunan ang taumbayan. So on the basis of that, the President can do things that can either annul rescind contracts done or arranged or agreed against the interest of the people and public policy,” ayon kay Panelo.

Dahil dito, sinabi ni Panelo na maaring bawiin ng pangulo ang kontrata.

Una nang binatikos ng pangulo ang Maynilad at Manila Water dahil ginawang gatasan ang gobyerno at tapng bayan.

Ayon kay Panelo, hindi lang ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water ang hahabulin ng pamahalaan kundi maging ang mga mambabatas, abogado at iba pa na kasama sa pagbalangkas ng tagilid na kontrata.

TAGS: manila, manila water, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, water concessionaire, manila, manila water, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, water concessionaire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.