Bagyong Tisoy nakalabas na ng bansa; humina pa at isa na lang tropical depression
Tuluyan nang nakalabas ng bansa ang bagyong Tisoy.
Ayon sa PAGASA, humina pa ang bagyo at ngayon ay nasa tropical depression category na lang.
Alas 10:00 ng umaga ngayong araw, Dec. 5 ay huling namataan ang bagyo sa layong 705 kilometers West Northwest ng Coron, Palawan.
Ayon sa PAGASA, wala nang direktang epekto sa bansa ang bagyo.
Gayunman, makararanas pa rin ng malakas na buhos ng ulan sa Northern Luzon, Aurora, at Northern Quezon dahil sa epektbo ng Northeast Monsoon o Amihan at ng Tail-End of a Cold Front.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa apektadong mga lugar.
Wala pa namang ibang bagyo na nakikita ang PAGASA na papasok o makaaapekto sa bansa sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.