Presidential Task Force on Media Security humirit sa Supreme Court ng live media coverage sa promulgation ng Maguindanao massacre

By Ricky Brozas December 05, 2019 - 09:09 AM

Pormal na ring dumulog sa Korte Suprema ang Presidential Task Force on Media Security para ihirit ang pagkakaroon ng live media coverage sa inaabangang promulgation o pagbababa ng hatol ng korte sa kontrobersiyal na Maguindanao massacre case.

Sa dalawang pahinang liham ni Usec. Joel Egco kay Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez na may petsang December 4, 2019, hiniling nito na mapagbigyan ang live media coverage ng mga government communication agencies gaya ng PTV-4, RTVM, Philippine News Agency at PCOO.

Paliwanag ni Egco, isa ang Ampatuan massacre sa mga kaso na tinututukan ng Presidential Taskforce on Media Security lalo pat karamihan o 32 sa mga pinatay sa massacre noong November 2009 ay pawang miyembro ng media.

Una nang nagsumite ng petisyon sa Supreme Court ang ibat-ibang media organizations gaya ng National Union of Journalists of the Philippines, Center for Media Freedom and Responsibility, at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) para hilingin ang isang open coverage o live media coverage sa isang landmark decision sa itinuturing na pinakamalalang election related violence sa kasaysayan ng Pilipinas.

Itinakda na kasi ng QC RTC Branch 221 ang promulgation sa naturang kaso sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nagpadala na rin si QC-RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon ng notice of the promulgation sa mga partido sa kaso kabilang na ang mga kaanak na mga biktima.

TAGS: maguindanao massacre, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, promulgation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, maguindanao massacre, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, promulgation, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.