Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Cagayan
Tuluy-tuloy na malalakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Cagayan at Isabela.
Sa heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ng Huwebes, Dec. 5, orange warning level ang nakataas sa Cagayan.
Yellow warning level naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– Apayao
– Isabela (Cabagan, Divilacan, Ilagan City, Maconacon, Palanan, San Mariano, San Pablo, Santa Maria at Tumauini)
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga apektadong lugar.
Samantala, nakararanas naman ng katamtamang buhos ng ulan sa Pinukpuk, Kalinga.
At light to moderate rains ang nararanasan sa Camiguin Island, at sa Rizal Tabuk City sa Kalinga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.