Quezon isinailalim na rin sa state of calamity dahil sa pananalasa ng Bagyong #TisoyPH

By Rhommel Balasbas December 05, 2019 - 05:40 AM

Idineklara na rin ng Sangguniang Panlalawigan ang state of calamity sa buong Quezon bunsod ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez, malaki ang naging pinsala ng bagyo sa lalawigan sa mga ari-arian.

Sapul din ang pagniniyog na isa sa pangunahing hanapbuhay sa Quezon.

Sa ngayon ay humihingi na ng tulong ang lalawigan sa pambansang pamahalaan para ayudahan ang mga apektado ng bagyo.

Una nang nagdeklara ng state of calamity ang mga sumusunod na lugar dahil sa pinsala ng bagyo:
– Sorsogon
– Albay
– Camarines Sur
– Calbayog at Arteche sa Eastern Samar

Sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ng mga pamahalaang lokal ang kanilang calamity funds.

TAGS: #TisoyPH, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Quezon, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news, weather, #TisoyPH, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Quezon, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.