Bagyong #Tisoy lalabas na ng PAR; Amihan, tail-end of a cold front magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

By Rhommel Balasbas December 05, 2019 - 05:07 AM

Patuloy ang paghina ng Bagyong Tisoy dahil sa bugso ng northeast monsoon o hanging Amihan.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 540 kilometro Kanluran ng Subic, Zambales.

Taglay na lamang nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 65 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km kada oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 km kada oras.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong umaga.

Ayon sa PAGASA, tail end of a cold front at Amihan ang nakakaapektong weather systems ngayon sa bansa.

Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan pagkulog at pagkidlat ang tail-end of a cold front sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at lalawigan ng Aurora.

Dahil naman sa Amihan, maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang iiral sa Ilocos Region.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na may posibilidad din ng mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Central Luzon dahil pa rin sa Amihan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Isabela
– Aurora
– Western coast ng Palawan
– Eastern coast ng Quezon kasama ang Polillo Islands, Camarines provinces at Catanduanes
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Zambales
– Bataan

TAGS: #TisoyPH, amihan, Northeast monsoon, tail-end of a cold front, #TisoyPH, amihan, Northeast monsoon, tail-end of a cold front

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.