Japan-made train na may rotating seats at banyo bumabiyahe na sa PNR
Hindi na kailangan pang bumiyahe patungong Japan para lamang maranasan ang pagsakay sa tren na may reclining at rotating seats, stowable tables at maging ng banyo.
Ito ay dahil idinagdag ng Philippine National Railways (PNR) sa kanilang linya ang isang bagong train set mula Japan na may ganitong amenities.
Sa Kogane train set, maaaring sumandal hanggang sa gustong posisyon at makapagpapahinga rin nang maayos ang mga binti.
Kayang magsakay ng Kogane train set ng hanggang sa 81 pasahero.
“Passengers can enjoy reclining and rotating seats, stowable tables, leg rests, and a comfort room inside the train. The said train set from Japan can accommodate 81 passengers,” ayon sa PNR.
Samantala, inanunsyo ng PNR na pinalawig na nila ang serbisyo mula noong December 1 hanggang sa Los Baños, Laguna.
Ang pasahe mula Tutuban hanggang Los Baños ay aabot lamang sa P150.
Limang bagong istasyon ang naidagdag pagkatapos ng Calamba station o ang Pansol, Masili, Los Baños, College, at International Rice Research Institute (IRRI) stations.
Samantala, darating na rin ang dalawang bagong train sets mula sa Indonesia sa susunod na linggo.
Idadagdag ang train sets sa Tutuban – FTI at Malabon – FTI routes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.