Robredo bibisita sa mga lugar sa Bicol na sinalanta ng Bagyong Tisoy

By Rhommel Balasbas December 05, 2019 - 02:12 AM

PRC photo

Nakatakdang bumisita si Vice President Leni Robredo ngayong weekend sa mga lugar sa Bicol Region na matinding napinsala ng Bagyong Tisoy.

Sa ambush interview araw ng Miyerkules, sinabi ni Robredo na nakakalat na ang team ng Office of the Vice President sa Bicol para alamin kung ano ang worst-hit areas at kung ano ang pinaka-kailangan sa bawat lugar.

Batay anya sa mga nakalap na ulatng OVP, kabilang sa pinakasinalanta ng bagyo ay ang first district ng Albay at second district ng Sorsogon.

“Sinu-survey muna namin kung ano ang pangangailanagan. Grabe rin ang devastation sa Camarines Sur pero ‘yung concentration talaga iyong sa Sorsogon,” ani Robredo.

Sa ngayon, sinabi ni Robredo na ang pangangailangan ay inuming tubig at housing materials dahil marami sa mga bahay ang nasira ng malakas na hangin.

Marami ring lugar sa Bicol region ang hindi pa accessible sa ngayon.

Dahil dito nanawagan ang bise presidente sa publiko na tulungang makabangon ang mga Bicolano.

Samantala, may mga grupo nang nangako ng tulong ssa relief at rehabilitation efforts ng OVP tulad ng Manila Water, Church of the latter Day Saints, Kaya Natin at ilan sa mga kaklase ni Robredo sa UP School of Economics.

TAGS: #TisoyPH, Bicol Region, Office of the Vice President, typhoon-hit areas, Vice President Leni Robredo, #TisoyPH, Bicol Region, Office of the Vice President, typhoon-hit areas, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.