Operasyon ng DFA Aseana, NCR consular offices, half-day sa Dec. 6
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) na half-day lamang ang operasyon ng ASEANA Business Park at NCR consular offices sa Biyernes, December 6.
Sa inilabas na abiso, isasara ang mga nabanggit na tanggapan simula 12:00 ng tanghali.
Ayon sa kagawaran, ito ay bunsod ng isasagawang training ng mga opisyal at empleyado sa nasabing petsa.
Magbabalik naman ang regular na operasyon at serbisyo sa Lunes, December 9.
Payo sa mga aplikanteng may confirmed appointment sa December 6, pumunta sa tanggapan bago mag-11:30 ng umaga.
Samantala, sa mga maaapektuhan ng suspensyon ng operasyon, ma-aaccommodate ang mga ito ng DFA anumang araw hanggang December 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.