Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nasa 3,000 pa
Unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa.
Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG) bandang 8:00 ng umaga, nasa kabuuang 3,074 ang stranded na pasahero sa mga pantalan sa bahagi ng Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, at Bicol.
Pansamantalang suspendido ang operasyon ng 878 rolling cargoes, 29 vessels at 9 motorbancas dahil sa lagay ng panahon.
Hindi pa rin nakakabiyahe ang 139 vessels at 51 motorbancas.
Tiniyak naman ng PCG na istrikto nilang ipinatutupad ang mga panuntunan sa paglalagay ng mga sasakyang-pandagat tuwing masungit ang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.