Biyahe ng mga barko mula Caticlan patungong Batangas at Mindoro suspendido pa rin

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2019 - 11:06 AM

Nananatiling suspendido ang biyahe ng mga barko mula sa Caticlan Jetty Port na patungo sa Batangas at Mindoro.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Aklan, ngayong araw, December 4 ay wala pa ring biyahe ang mga barko sa Caticlan Jetty Port na patungong Batangas at Mindoro.

Wala nang tropical cyclone wind signal na umiiral sa Aklan pero nakataas pa rin ang signal number 1 sa Mindoro at Batangas.

Balik-operasyon naman na ang biyahe ng mga barko mula Caticlan patungong Romblon.

Ang biyahe naman ng mga motorbanca mula sa Caticlan Jetty Port patungong Boracay Island ay balik na rin sa normal.

TAGS: #TisoyPH, Caticlan Jetty Port, Pagasa, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, #TisoyPH, Caticlan Jetty Port, Pagasa, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.