14 na bayan sa Oriental Mindoro nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa bagyong Tisoy
Wala pa ring suplay ng kuryente sa 14 mga bayan sa Oriental Mindoro matapos manalasa doon ang bagyong Tisoy.
Ayon sa provincial disaster risk reduction and management office ng Occidental Mindoro,14 na bayan ang wala pa ring kuryente at ang naibabalik pa lamang ay ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Calapan City.
Naapektuhan din ang ilang kalsada at tulay sa lalawigan pero naging passable na ito sa mga sasakyan matapos makapagsagawa ng clearing operations ang mga otoridad.
Inaalam pa sa ngayon kung magkano ang naging halaga ng pinsala ng bagyong Tisoy sa mga pananim sa Oriental Mindoro.
Marami kasing tanim na saging, kalamansi at iba pa ang pinadapa ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.